Showing posts with label usapang puso. Show all posts
Showing posts with label usapang puso. Show all posts

PANGATLONG HINAGPIS




pumikit ka...

damhin mo ang mga palad kong pinalamig ng panahon

isipin mo ang mga ngiti ng kahapon

bawat halakhakan at mga taghoy.


pumikit ka...

balikan mo ang sandaling nagpalutang sayo sa alapaap

mga kaganapang noon ay isa lamang pangarap

at mga talang di mo maapuhap.


pumikit ka...

muli mong tanawin ang madilim na ulap

noong panahong kinailangan mo ng paglingap

at mahihigpit na yakap.


sa muli mong pagmulat,

katotohanan ay muling sasambulat

ang sugat ay muling magnanaknak.

at gagamutin sa paraang TAMA at DAPAT.


nawa'y di ka mabulagan

sa nakakasilaw na katotohanan

at sa mga alikabok na nagkalat sa daan

upang ikaw ay ganap na matauhan.


kung sakali mang

mabalot ng dilim ang iyong mga mata

mga tala man ay di mo na muling makita

damhin mo ang init ng aking mga palad

sabay tayong maglalakad.


gagabayan kita.

aakayin.

aalalayan.

hanggang matagpuan mong muli

ang iyong sarili

sa aking mga kamay...


...at muling nanumbalik ang aking ulirat...
UNANG HINAGPIS
PANGALAWANG HINAGPIS

labing-walong araw bago magpasko
ikalawang araw ng pagluluksa

IKAW



Ang pagmamahal ko sa iyo'y walang kapara
pag-ibig na punung-puno ng pag-asa

IKAW ang gabi ko at umaga

tanging lakas ko sa tuwina...


Nadarama mo sana ang aking pagsinta

sa buhay ko'y IKAW lamang,wala nang iba pa.

patuloy kang iibigin at pakamamahalin

tumalikod man ang mundo sa akin.


Mahal kita.

IKAW lamang.

IKAW na nga.

Walang iba.





Pangalawang Hinagpis



Sa matagal na pagtatago ko sa katahimikan

Ako’y lumalantad ng may katinuan
Ang bawat tanong ay bibigyang kasagutan
Ang lahat ng dilim, aking liliwanagan.

Noong araw na ikaw ay aking natanawan
Nabighani agad ako sa iyong kagandahan
Pinilit kong limutin ang sugat ng nakaraan
Dahil batid kong sa’yo ako’y mapapamahal.

Noong una ay masaya ang ating samahan
Dahil meron pa rin akong kaunting kalayaan
Ngunit dahil na rin sa kalayaang iyan
Ako’y nagkamali at ikaw ay nasaktan!

Pinilit kong magbago alang-alang sa iyo
Pilit tinalikuran ang sarili kong mundo
Unti-unting nabura ang aking pagkatao
Dahil nawala ang kalayaang meron ako!

Kung dati-rati ay may halakhak sa silid
At maaari pang gawin lahat ng aking ibig
Ngayon ay dalangin kong oras ay lumipas na
Upang bukas ay muling makagulong at magsaya!

Tiniis ko ang lahat, ngunit ako’y nadurog na
Nawala ang bawat ngiti at dati kong sigla.
Nakasanayan ko na rin ang buhay sa selda
Nagsulat akong muli at doo’y nalulong na!

Hindi ko suka’t akalaing pati sa aking mga gawa
Ikaw ay magiisip na muli akong “lumaya”
Ako’y nanahimik, di na lang nagsalita
Hinayaan ko na lamang ang iyong akala!

Ang kagustuhan kong magsulat ng malaya
Ay tila muling lumipad at nawala
Kailan mo kaya ako bibigyan ng tiwala?
Kapag katauhan ko ba’y naging sirang-sira?
______________________________________________

Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.