SUNTOK SA BUWAN


Muli akong humugot ng lakas mula sa kawalan
Muling inalala ang malupit na katotohanan
Hinihintay ko ang sandaling ilalaan mo sa akin
Inaabangan ko ang muli mong pagdating.

Muli akong humagap ng pag-asa mula sa langit
Kahit pa nga ang katotohanan ay malupit.
Nananabik akong muli kang makaniig
At maramdaman ang init ng iyong halik.


Hubad na katotohanan, mahirap tanggapin
Ngunit kailangan kong ito ay harapin
Kerida lamang akong sumusuntok sa buwan
At nagkakasya sa sandaling hiram.


hinukay sa baul
para sa isang kaibigan
Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.