pumikit ka...
damhin mo ang mga palad kong pinalamig ng panahon
isipin mo ang mga ngiti ng kahapon
bawat halakhakan at mga taghoy.
pumikit ka...
balikan mo ang sandaling nagpalutang sayo sa alapaap
mga kaganapang noon ay isa lamang pangarap
at mga talang di mo maapuhap.
pumikit ka...
muli mong tanawin ang madilim na ulap
noong panahong kinailangan mo ng paglingap
at mahihigpit na yakap.
sa muli mong pagmulat,
katotohanan ay muling sasambulat
ang sugat ay muling magnanaknak.
at gagamutin sa paraang TAMA at DAPAT.
nawa'y di ka mabulagan
sa nakakasilaw na katotohanan
at sa mga alikabok na nagkalat sa daan
upang ikaw ay ganap na matauhan.
kung sakali mang
mabalot ng dilim ang iyong mga mata
mga tala man ay di mo na muling makita
damhin mo ang init ng aking mga palad
sabay tayong maglalakad.
gagabayan kita.
aakayin.
aalalayan.
hanggang matagpuan mong muli
ang iyong sarili
sa aking mga kamay...
...at muling nanumbalik ang aking ulirat...
UNANG HINAGPIS
PANGALAWANG HINAGPIS
labing-walong araw bago magpasko
ikalawang araw ng pagluluksa
PANGALAWANG HINAGPIS
labing-walong araw bago magpasko
ikalawang araw ng pagluluksa