Gusto kong gumuhit ng larawan ng pag-big
ngunit madilim ang kapaligiran
hindi ako makakita ni katiting na liwanag
wala akong matanawan.
Gusto kong magsulat ng maliligayang sandali
ngunit tanging itim ang naaalala
nahihirapan ang puso ko na doo'y mamalagi
wala akong matandaang ngiti at saya.
Gusto kong lagyan ng himig ang bawat titik
ngunit nagiging taghoy ang awit
hindi makagawa ng sariling nota
walang ligaya ang musika.
Hanggang sa ngayon, mula noon
nanatiling blangko ang papel.
walang maisulat, maiguhit, maisatinig.
'pagkat ang ulirat ko'y hindi na nagbalik.