PETRONAS TOWER


Mahal Kita.

Ikaw at ang iyong mga mata.
Ang pangungulila mo sa akin
Ang hindi mapigil na pananabik
Kailan nga ba ako magbabalik?


Mahal Kita.

Malayo man ang mundo nating dalawa
Marami mang makialam na iba
Hindi ko na mapipigilan pa
Ang pusong nagaalab na.


Mahal Kita.

Ikaw na karamay ko sa tuwina
Sa bawat pagbagsak ko'y nariyan ka
Kamay ko'y hawak-hawak mo pa
Salamat sa pagsasalba.


Mahal Kita.

Ikaw na nagpunas ng bawat luha
Ikaw na naglanggas ng bawat sugat
Ikaw na umaruga at kumalinga
Ikaw na may pagibig na dakila.

Mahal Kita.
At mananatiling ikaw
ang dahilan
ng bawat kong paghinga...

_________________________________

... AT DOON SA BATO....
NAISULAT KO NA!
INGATAN MO NANG HINDI MABURA!


Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.