HINDI LANG SYA




Hindi lang sya...

ang nasasabik na makita ka.
ang nangungulila sa'yong pagsinta.
ang umaasang makapiling na.
at nananalanging mahagkan ka.

noon pa man ay inaasam ko na
kahit sandali ay mayakap ka
sa dilim ay isisigaw ang pagnanasa
sa kanlungang laan sa ating dalawa.


Hindi lang sya...

ang gustong magising isang umaga
na matamis mong ngiti ang makikita
na malamyos mong tinig ang maririnig
at ang bulong ay puro pag-ibig.

ang pag-ibig mong sa akin ay inialay
ilang masasayang buwan nang nakaraan
hindi man ganoon kabusilak at kadalisay
patuloy itong iingatan at hahawakan.

sapagkat...HINDI LANG SYA...
ang sayo ay tunay na nagmamahal
ako man ay taimtim na nagdarasal
sa pag-ibig na sa akin ay inilaan...


(nawa'y abutin ka ng tulang ito)
upang araw-araw ay maalala mo
na ako'y nananabik din sayo...
at HINDI LANG SYA!

may 18, 2010
Dubai, UAE
...sa opisina...
Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.