Muli kong sinuyod ang karagatan upang kahit sandali ay magkaroon ng kalayaan.
Muli akong bumulong sa hangin upang kahit saglit ay maikwento ko ang bawat hinagpis.
Muli akong bumulong sa hangin upang kahit saglit ay maikwento ko ang bawat hinagpis.
Ah! kay tagal na simula nung maisipan kong buksan ang pintong ito. Ngunit ito pa lamang ang una kong sanaysay at hindi ko pa rin alam kung saan ito patutungo...
Marahil ay hindi pa ako handang magsulat muli. Marahil kulang pa ang kahapisang bumabalot sa akin. At dahil na rin sa ingay ng kapaligiran kaya nabibigo akong maibalik ang sarili sa aking nakaraan.
Ngunit hindi ko hahayaang maging tigang na lupa ang lugar na ito. Darating ang pagkakataong, muli kong ihihimig ang aking damdamin. Muli kong didiligin ng aking mga luha ang kabukirang ito. Muli kong tataniman... hanggang dumating ang araw ng pamumulaklak... at araw ng pag-aani.
At sa sandaling iyon... sabay-sabay nating pagsasaluhan ang aking tagumpay!
_________________________________