COMA



Pikit-matang hinarap ang buhay na hiram
Pilit iwinaksi ang lahat ng agam
Nagbingi-bingihan sa bulong at sigaw
Hindi inalintana ang kilos at galaw.

Nagbulag-bulagan sa katotohanan
Kahit ang liwanag ay ‘di tinanawan
Nagmistulang pipi sa gitna ng karamihan
Wala ni isang salitang binitiwan.

Ang tanging laman ng puso at isipan
Ay ang kaligayahan sa nakaraan
Pansamantalang itinigil ang buhay
At ang inalala ay yaon lamang may kulay.

Huminto ang orasan sa sandaling iyon.
Katulad ng buhay, hindi nagpatuloy.
Diwa ay malinaw, puso ay may pintig
Di man gumagalaw ang katawan sa silid.

Katauhan ay naisalba nga ba?
O tuluyang namatay bagaman may pulso pa?
Buhay ang isipan sa kasalukuyan…
Ngunit bakit ang puso ay nasa nakaraan?
___________________________________________

Isang Magandang Panaginip



Sa pagaakalang labi mo ang dumampi sa aking noo
Sa mahimbing kong pagtulog…

Sa pagaakalang kamay mo ang lumapat sa aking pisngi
Sa aking pagpapahinga…

Sa pagaakalang ang iyong mata ang nakatitig sa akin
Sa aking pagiisa…

Sa pagaakalang ang iyong ngiti ang sumalubong
Sa bago kong umaga…

Sa pagaakalang ang tinig mo ang aking naririnig
Sa loob ng aking silid…

Ako ay nagising at pilit kang hinanap.
Ngunit nabigo akong masumpungan ka.
Nakalimutan kong nasa Pilipinas ka nga pala,
Aking INA.

_________________________________________

Unang Hinagpis...



Muli kong sinuyod ang karagatan upang kahit sandali ay magkaroon ng kalayaan. 
Muli akong bumulong sa hangin upang kahit saglit ay maikwento ko ang bawat hinagpis.

Ah! kay tagal na simula nung maisipan kong buksan ang pintong ito. Ngunit ito pa lamang ang una kong sanaysay at hindi ko pa rin alam kung saan ito patutungo...

Marahil ay hindi pa ako handang magsulat muli. Marahil kulang pa ang kahapisang bumabalot sa akin. At dahil na rin sa ingay ng kapaligiran kaya nabibigo akong maibalik ang sarili sa aking nakaraan.

Ngunit hindi ko hahayaang maging tigang na lupa ang lugar na ito. Darating ang pagkakataong, muli kong ihihimig ang aking damdamin. Muli kong didiligin ng aking mga luha ang kabukirang ito. Muli kong tataniman... hanggang dumating ang araw ng pamumulaklak... at araw ng pag-aani.

At sa sandaling iyon... sabay-sabay nating pagsasaluhan ang aking tagumpay!
_________________________________

Me & My Colors



I'm a poet.
I'm a lover.
I'm a friend.
I'm a dreamer.

I'm yellow.
I'm blue.
I'm red.
It's true.


I'm an artist.
I'm a player.
I'm a sinner.
I'm no saint.

I'm a wanderer.
I'm a smoker.
I'm a chatter.
I'm a loner.

I love numbers.
I love girls.
I love YOU
I love HUE :)


Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.