PARAISO


Sa malawak na kapatagan
at di maabot-tanaw na kabukiran
Tayo'y bubuo ng mga pangarap
Kahit pa ang tanging saksi
ay ikaw at ako lamang.

Sabay ng pagsisid sa malalim na karagatan
Kukunin natin ang makikinang na perlas
At sa dalampasigan, doon ay aking bubuuin
Ang kwintas na magpapalutang
sa iyong kariktan.

Sa paglipad natin sa kalawakan
Iisa-isahin nating likumin ang bawat bituin
Sabay tayong uupo sa makakapal na ulap
at gagawa ng liwanag na magsisilbing tanglaw
sa kadiliman ng mundo nating dalawa.

Sabay tayong kakapit sa pangarap
Na may mundong aampon sa atin.
Doon tayo'y malayang maglalakad
na magkahawak ng kamay.
kung saan tayo ay nababagay
at walang pasubaling tatanggapin.

Doon tayo aawit ng mga awiting
kay tagal nating inihihimig sa katamikan.
Doon ay sabay tayong sasayaw
sa saliw ng musikang punumpuno ng ligaya.
Doon sa mundong pagibig natin ang maghahari.
Na IKAW at AKO lamang.

Ang paraisong kukupkop sa kaluluwa nating dalawa
ay pupunuin natin ng katotohanan.
Doon kita aangkinin.
Ikaw ay aking aariin.
sapagkat sa paraisong iyon,
AKO ay iyo at IKAW ay akin...


(.... muli ay nanumbalik ang aking ulirat)

YOU



You are my life’s mystery…
so endearing
so charming…
so sweet…

You are my destiny…
so compassionate…
so tolerant…
so tough…

You are my fate…
so encouraging...
so undefeated…
so bright…

I know you are…
hot-tempered,
intolerant,
envious
and loud.

Still…
You are my life’s mystery…
You are my destiny…
You are my fate…

(....for I have never loved you less!)

KAHIT NA...


Kahit na…
Sa dilim ay hindi makakita,
Dadamhin ko pa rin ang iyong presensya.

Kahit na…
Tinig mo’y hindi malinaw sa tenga
Pakikinggan ko pa rin ang musika.

Kahit na…
Maging abala sa umaga
Sa isip ko’y bubuuin ang iyong ganda.

Kahit na…
May araw na hindi ka makita
Magababalik-tanaw ako sa mga ala-ala.

Kahit na…
Lumayo ka at iwan akong mag-isa
Sa pagbabalik mo ay patuloy akong aasa.

At kahit pa…
Iwalay ka ng panahon at pagkakataon
Hahabulin ka ng puso ko saan man humantong!

BLANGKO




Gusto kong gumuhit ng larawan ng pag-big
ngunit madilim ang kapaligiran
hindi ako makakita ni katiting na liwanag
wala akong matanawan.

Gusto kong magsulat ng maliligayang sandali
ngunit tanging itim ang naaalala
nahihirapan ang puso ko na doo'y mamalagi
wala akong matandaang ngiti at saya.

Gusto kong lagyan ng himig ang bawat titik
ngunit nagiging taghoy ang awit
hindi makagawa ng sariling nota
walang ligaya ang musika.

Hanggang sa ngayon, mula noon
nanatiling blangko ang papel.
walang maisulat, maiguhit, maisatinig.
'pagkat ang ulirat ko'y hindi na nagbalik.
Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.