HIMLAYAN





Sa kabila ng nakaabang na panganib
Patuloy akong aawit…

Patuloy kong aawitan ng maligayang himig

Ang mga kaluluwa sa langit.


Sa kabila ng nagbabadyang unos

Patuloy akong guguhit…

Patuloy kong iguguhit ang masayang araw

At kakalimutan ang sakit.


Sa kabila ng nananariwang karamdaman

Patuloy akong susulat…

Patuloy kong isusulat ang bawat sandali

At mananatiling mulat.


Sa kabila ng lahat ng bumabalot na takot…

Sa kabila ng lahat ng kahapisan…

Sa kabila ng lahat ng kawalang-pagasa…

Magpapatuloy ako…


Dahil sa kabila ng lahat ng dusa

Doon ako nakakasumpong ng ligaya.

Dahil sa kabila ng lahat ng hirap

Doon lamang ako gumiginhawa.


Patuloy kong yayakapin ang kalungkutan

Hanggang bumalot sa buo kong katauhan…

Hanggang ako’y tuluyang mahimlay…

At… sa Kalangitan ay magkamalay…




muli kong inilathala mula sa aking nakaraan... _______________________________________

Copyright 2009 HUE and YOU.... All rights reserved.